Nabawasan ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mula September 10 hanggang September 16, 2024 – 157 ang barko ng China sa WPS.
Ito’y mas mababa kumpara sa 207 na bilang ng mga barko noong September 3 to September 9, 2024.
Sa naturang mga barko, 123 ang Chinese maritime militia vessels.
7 ang Peoples Liberation Army Navy at 26 ang China Coast Guard vessels.
Kasama sa mga lugar na nakapwesto ang barko ng china sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Island, Lawak Island, Panatag Island, Sabina Shoal at Iroquois Reef.
Paliwanag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad , masamang panahon ang dahilan kaya umalis ang ilang mga barko ng China sa WPS
50 mga barko ng China ang nabawas sa WPS sa loob ng 1 linggong monitoring.