DOJ, muling nilinaw na may desisyon na ang korte sa Timor-Leste para mapauwi na sa bansa si Ex-Cong. Teves

Naniniwala ang Department of Justice na magiging pareho ang resulta ng korte ng Timor-Leste sa unang desisyon na nagpapahintulot sa extradition ni dating Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Ayon sa DOJ, malinaw na malakas ang mga ebidensya laban sa kaso ni Teves kaugnay sa umano’y pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kaya umaasa silang makakauwi na ito ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, nilinaw din ng DOJ na hindi pinawalang bisa ng korte sa Timor-Leste ang hiling ng Pilipinas sa extradition ni Teves taliwas sa mga kumakalat na ulat.

Ito’y dahil may desisyon na ang mga hukom ng Timor-Leste sa extradition case batay sa mga nakalat na ebidensya.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon sa DOJ, kinukuwestiyon ngayon ng kampo ni Teves ang desisyon sa procedural grounds, partikular na ang bilang ng mga hukom na nagpasya sa kaso.

Sabi ng DOJ, malinaw na ang pagtutol ng kampo ni Teves ay isinagawa lamang matapos ang hindi paborableng desisyon sa kabila ng pagdaan nito sa tamang proseso.