Umano’y libingan ng mga foreigners na napapatay sa POGO sa Porac, iimbestigahan na

Iimbistigahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang umano’y burial site ng mga dayuhan malapit sa POGO sa Porac, Pampanga.

Sa isang pahayag, sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na nagbigay ng tip ang kanilang mga witness hinggil sa libingan malapit sa Lucky South 99.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ayon pa kay Casio, nag-a-apply sila ngayon ng panibagong search warrant sa compound ng naturang hub.

May itinuturo aniya kasing lugar ang kanilang mga witness kung saan umano inilibing ang mga patay na katawan ng ilang foreign national.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Pinuntahan na rin umano nila ang area noong nakaraang linggo, pero hindi sila nagsagawa ng paghuhukay.