Nilinaw ni House Deputy Minority Leader Rep. France Castro na ayaw naman nilang ma-zero ang pondo ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ay kasunod ng muling pag-defer sa budget deliberations ng OVP.
May isa pang recorded interview kung saan ay sinabi ni VP Sara Duterte na handa silang magtrabaho kahit na bigyan sila ng zero budget.
Sa isang panayam, sinabi ni Castro na dapat ding isipin ang mga tauhan ng OVP, ang mga benipisyo nito, at iba pang dapat pagkagastusan.
Aniya, palagay niya, ang socio-economic fund lang ang dapat alisin – ang bahagi ng pondo na hindi na-justify ni VP Sara Duterte.
Samantala, pinalilipat naman ni Castro ang P10M budget para sa librong ‘Isang Kaibigan’ sa Department of Education (DepEd).