Asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa Luzon, kabilang na sa Metro Manila, na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.
Ayon sa Pagasa, ito ay dahil sa localized thunderstorms na dulot ng southwest monsoon.
Sa Visayas at Mindanao asahan ang mainit na panahon, bagama’t posibleng magdala ng pag-ulan ang thunderstorms, sa hapon hanggang sa gabi.
Wala namang inilalabas na gale warning ang weather bureau, bagama’t nagbabala ito ng maalon na karagatan sa northern coastline ng Luzon dahil sa habagat.
Samantala, ang habagat ang nakikitang tatama parin sa malaking bahagi ng Luzon, pero walang inaasahan na mabubuong bagyo. // MHEL PACIA-TRINIDAD