DOH: Ilegal pagbubunyag sa HIV status ng tao matapos ang false claim ni Gadon vs PNoy

Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na ilegal na ibunyag ang anumang HIV- o AIDS-related information kaugnay sa isang tao nang walang pahintulot.

Ito ay kasunod ng false claim ni Lawyer Larry Gadon na si dating Pangulong Benigno Aquino III ay pumanaw dahil sa naturang sakit.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Batay sa pamilya Aquino, si PNoy ay pumanaw dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Binigyang diin ng DOH ang Republic Act 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act na nag-gagarantiya sa confidentiality at privacy ng sinuman na magpopositibo o nag-gagamot para sa, exposed sa, o mayroong HIV- at AIDS-related illnesses.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag ng ahensya, ang mga lalabag ay maaring makasuhan ng criminal, administrative, at civil sanctions at penalties.

Samantala, plano naman ng HIV advocacy group na The Red Whistle na maghain ng disbarment suit laban kay Gadon para sa kanyang pahayag. // MHEL PACIA-TRINIDAD