Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tutoring program para sa mga kabataang hirap pa rin sa pagbabasa na kaugnay sa educational assitance para sa mga estudyante ng mga unibersidad.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga 3rd year at 4th year students ng mga pampublikong unibersidad ay kailangang magturo ng pagbabasa sa mga non-readers at frustrated readers sa primary education kapalit ng cash assistance.
Mangyayari ang pagtuturo ng pagbabasa sa mga bata sa loob ng 20 sunod-sunod na mga araw.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kapag nagbigay sila ng educational assitance, kasama ang naturang mga benepisyaryo sa nation building o ang mga tutors.
Sa huli, sinabi ng kalihim na naniniwala siyang para maiahon ang pag-iisip ng mga tao mula sa kahirapan, dapat may kondisyon na kapalit para sa ninanais na nation building.
