Target ng Department of Tourism (DOT) na madoble ang bilang ng mga turistang bibisita sa bansa mula noong nakaraang taon.
Dahil dito, inaasahan ng DOT ang 4.8 million tourist arrivals sa bansa ngayong 2023.
Paliwanag naman ni DOT Undersecretary Myra Paz Abubakar, minimum pa lang nila ang nasabing bilang, at ayaw nilang mag-stop doon.
Noong 2022, mababatid na 2.6 milyong mga turistang ang bumisita sa bansa matapos ang pagbubukas ng mga boarders para sa lahata ng international travelers noong nagdaang Pebrero.
Samantala, libo-libong mga indibidwal ang pumunta sa Travel Tour Expo an inorganisa ng Philippine Travel Agencies Association sa SMX Convention Centers, upang i-check ang mga travel promos na ino-offer ng ilang mga establisyimento at airlines.
