DepEd, ipauubaya sa Kongreso ang suspension sa Mother tongue bilang medium of instruction

Ipauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa Kongreso ang desisyon kaugnay sa suspencion sa paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, may mag pag-aaral na nagpapakitang madaling natututo ang mga bata kapag ginagamit ang lengwaheng naiintindihan nila.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Dagdag ni Poa, habang pinagpupulungan ng mga mambabatas ang naturang usapin, tinatrabaho namna ng DepEd ang pagpapalakas sa kanilang English program.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kasabay ng naturang programa ay ang pagkilala umano nila sa linguistic diversity dahil iba-iba at madaming lenguahe at local dialects sa Pilipinas.

Mababatid na nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House bill 6717 na naglalayong suspendihin ang mother tongue bilang teaching language sa K-3.