Inanunsiyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maaari nang mag- apply sa emergency employment program ng ahensya ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Bello, Inilaan na ang natitirang pondo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) upang matulungan ang mga apektadong empleyado sa loob ng dalawang linggong ECQ sa National Capital Region( NCR).

Dagdag pa niya, ang mga self- employed at unemployed ay bibigyan ng 10 araw na trabaho at ang mga kwalipikadong indibidwal ay makakatanggap ng P5, 370 sa ilalim ng TUPAD.
Maaari rin umanong mag-apply ang mga maliliit na kumpanya at mga empleyado nito sa pamamagitan ng pagsumite ng listahan ng mga apektadong empleyado bago ipadala ang karampatang halaga.
Mababatid na sa ilalim ng 2021 general appropriations act, mayroong nasa P4 bilyong natitirang pondo ang TUPAD program hanggang sa katapusan ng taon.