Mabagal na pamamahagi ng tulong ng LTFRB sa mga driver binatikos ng COA

Pinuna ng Commission on Audit ang Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa kakarampot na tulong sa mga drayber sa gitna ng pandemic.

 Ayon sa ulat ng COA sa taong 2020, isang porsyento lamang o 59 milyon sa kabuuang 5.59 bilyong pondo ng ahensiya para Service Contracting Program ang naipamahagi. 

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ang nangyaring antala sa programa mula dalawa hanggang sampung linggo ay nagbunga ng hindi maayos na paggamit ng pondo kaya naantala rin ang benepisyo na nakalaan para sa mga PUV driver at operator.

Inabisuhan ng COA ang LTFRB na siyasatin at baguhin ang mga panuntunan at proseso upang maayos na magamit ang pondo at masigurng ma-maximize ang pondo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ipinunto rin ng COA na sa kasalukuyan, 29, 800 na driver lamang sa kabuuang 60,000 driver ang naka rehistro sa programa.

Noong Mayo, binatikos din ni Senator Grace Poe ang LTFRB dahil sa mabagal na pamamahagi ng tulong sa mga driver na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.