Tuguegarao, isinailalim sa ECQ mula August 12-21

Isinailalim ang Tuguegarao City sa enhanced community quarantine mula August 12, alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-12:00 ng madaling araw ng August 21.

Sa isang Facebook post, ay sinabi ng city information office na ipinatupad ang ECQ sa lungsod matapos maitala doon ang average daily attack rate na aabot sa 31.80%.

Ipinunto ng lokal na pamahalaan na ito na ang pinakamataas na average daily attack rate kung ikukumpara sa lahat ng probinsya at lungsod sa Cagayan Valley.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakapagtala rin ang Tuguegarao ng siyam na nasawi sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Matatandaan na unang isinailalim ng gobyerno ang lahat ng lugar sa Cagaya sa general community quarantine with heightened restrictions hanggang August 15.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Inutos naman ni Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano sa pamamagitan ng Executive Order No. 98 ang pagbabawal ng mass gatherings, habang nililimitahan lamang ang lahat ng religious gatherings online.

Patuloy naman mag-o-operate sa lungsod ang mga food establishments, mga talipapa, at satellite markets araw-araw, ngunit take-out at deliveries lamang ang papayagan.

Suspendido rin ang pampublikong transportasyon sa lungsod habang may ECQ habang iba-ban naman ang pagbebenta at pagkonsumo ng alak.