Umalma ang ilang transport group sa pagdami ng mga iligal na carpooling ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang karatig probinsya.
Ito ay dahil hindi nakakabiyahe ang ilang unit ng provincial buses dahil sa paghihigpit sa mga border control points na naging rason para lumiit ang bilang ng mga pasahero.
Ayon kay Alex Briones, Operations Manager ng Victory Liner Inc., marami sa mga unit ang obligadong hindi bumiyahe dahil sa pagkalugi habang ang mga carpooling na walang prangkisa ay malayang nakakabiyahe papasok at palabas sa mga probinsya.
Hiling ni Briones, tutukan ng pamahalaan ang panghuhuli sa mga iligal na bumibiyahe na mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng hawaan at lalong pagkalat ng corona virus disease.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Victory Liner Inc.
