Truck na may kargang semento, nahulog sa bangin

Nahulog sa bangin ang dump truck na ito na kargado ng mga semento sa parte ng barangay Puro Legazpi city.

Buti na lamang ay nakaligtas ang driver at nagtamo lamang ng minor injuries.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Sa imbistigasyon ng Legazpi City Police Station, tumatakbo sa unahan ng nasabing 10 wheeler truck ang isang tricycle paakyat sa lugar.

Bigla umanong namatayan ng makina ang tricycle kaya napatigil ang truck na dahilan para mawalan ito ng control at mahulog sa bangin.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Naidala naman sa pagamutan ang sugatang driver habang nagpapatuloy ang imbistigasyon ng kapulisan.