Pagpapakawala ng flares ng CAF – wala raw pinagkaiba sa harassment ng China sa karagatan

Naniniwala ang isang maritime law expert na tila ba’y ‘tine-teknikal’ na lang tayo ng China.

Ito’y matapos ang ginawang pagpapakawala ng flares ng kanilang Air Force sa daraanan ng ating mga eroplano.

Kung maalala kasi – mayroon nang kasunduan ang Manila at Beijing para i-‘de-escalate’ ang tensyon; pero ‘yun nga lang – partikular lang itong nakatutok sa mga resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Atty. Jay Batongbacal – sinabi nitong parang namimilosopo raw ang China dahil ang pinakabago nilang peligrosong mga aksyon ay ginawa sa airspace at hindi sa karagatan.

Nanindigan din si Batongbacal na tama lang ang ginawang pagpa-file ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Maaalalang una nang sinabi ni National Security Council (NSC) assistant director-general Jonathan Malaya na limitado lang ang agreement ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, partikular na ng isang direct hotline.

Dahil dito, posibleng bumalangkas ng isa pang kasunduan para naman sa airspace.