Pusa, pinana ng di pa nakikilalang salarin

Kaawa-awa ang sinapit ng pusang ito matapos na panain ng di pa nakikilalang salarin sa Tabaco City, Albay.

Ayon sa Tabaco Animal Rescue and Adoption, ang pusa na pinangalanang si Hasbas ay kanilang narescue.

Ayon sa tanggapan, limang vet office na ang tumingin sa pusa subalit lahat ng mga itoy nagsabi na wala nang pag-asa ang kawawang pusa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Batay kasi sa xray result nito, makikita na tumagos ang pana sa baga o lungs ng pusa at napakadelikado na rin umano ito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Umaasa naman sila na makayanan ito ng pusa lalo pat nagpapakita ito ng sensyales na lumalaban.

Kasalukuyan itong nasa ilalim ng intensive pain reliever.

Panawagan pa rin ng nasabing organisyon sa publiko na huwag manakit ng anumang hayop at sana ay matutukan ito ng gobyerno.