Patay ang 44-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin habang namamasada sa Rodriguez, Rizal.
Base sa imbestigasyon, maghahatid lamang ang biktima ng kanyang pasahero ng mangyari ang pamamaril.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Ayon sa pulisya, natukoy na nila ang isa sa mga suspek na residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen at tinutugis na ang mga suspek.