Beach trip ni VP Sara – may resibo

Sinita ni House Deputy Minority Leader France Castro si Vice President Sara Duterte matapos umanong linlangin ang publiko hinggil sa kanyang pagbisita sa beach sa Calaguas Island, Camarines Norte.

Ito’y matapos makakuha si Castro ng kopya ng “after security coverage report” mula sa Provincial Police Office ng Camarines Norte na nagdedetalye ng mga lugar na pinuntahan ni Duterte.

Batay sa report, dumating si VP Sara sa Mahabang Buhangin Beach sa Calaguas Island noong umaga ng September 21 at nag-check in sa isang hotel.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Nanatili umano ang pangalawang pangulo doon at kinabukasan ay nakipagpulong sa local officials.

Umalis ng Calaguas Island si Duterte nitong September 23 ng umaga o ang araw na naka-schedule sa plenary debates ang panukalang budget ng Office of the Vice President.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Pero noong araw na iyon ay nagtungo ang bise-presidente sa mainland ng Vinzons at sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.

Iginiit ni Castro na mahalaga para sa public servants na maging transparent at magkaroon ng pananagutan sa kanilang mga ikinikilos.

Bagama’t may karapatan ang mga opisyal na magkaroon ng oras para sa personal na lakad, hindi aniya katanggap-tanggap na itanggi ang biyahe at gawin ito sa panahon na mayroong budget deliberations.