Transport group walang balak i-atras ang P3.00 fare hike

Pursigido ang ilang transport group na ituloy ang hirit na P3.00 dagdag singil sa pamasahe sa kabila ng anunsiyo ng ilang kompanya ng langis na handa itong magbigay ng discount sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin hindi umano sasapat ang P3.00 na diskwento gayung halos linggo-linggo na lamang ay may pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Sa katunayan ayon kay Martin sa susunod na linggo ay may naka-ambang na naman na oil price hike.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Isusulong umano nila ang fare increase sa isasagawang hearing na ipinatawag ng LTFRB at DOTR.

Maliban dito i-aapela din nila na taasan pa ang kapasidad ng mga pasahero mula 50% ay gawin itong 70% capacity para hindi lugi bawat biyahe ng mga drayber.