Posible umanong maramdaman ang ‘food inflation’ o pagtaas ng presyo sa pagkain ngayong buwan.
Paliwanag ni Agriculture Sec. William Dar ito ay dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Maring” na sumira sa maraming pananim sa Northern Luzon.
Sa tala ng DA umabot na sa P2.17 billion ang danyos ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura.
Bagama’t nagakaroon ng pagtaas sa presyo ng gulay sa Metro Manila ilang araw matapos ang bagyo, bumalik na umano sa normal ang presyuhan nito ngayong linggo.
Inaasahan din na makaka-apekto ito sa kabuoang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Oktubre.