SORSOGON CITY – Nagbunga ang masigasig na pagtugis ng Pulis Kasanggayahan laban sa mga tinaguriang most wanted persons (MWP) sa kani-kanilang area of responsibility (AOR).
Nasa 524 ang naaresto ng Sorsogon PNP simula noong pangalawa at pangatlong kwarter ng kasalukuyang taon.
Sa ipinakitang datos ng PNP-Regional Office 5, may kabuuang 2, 578 na MWP na nagtago sa batas ang natimbog ng PNP-RO5.
Kabilang dito ang 7 na nasa regional level, 27 na nasa listahan ng provincial level, 15 sa city level, 405 sa municipal level at aabot sa 2,124 ang iba pang most wanted persons.
Nanguna rito ang Camarines Sur PPO na may kabuuang naaresto na 584 wanted persons.
Ang Sorsogon PPO ay sinundan ng Masbate PPO na may nahuling 441 MWP, pang-apat ang Albay PPO na may kabuuang 409, nag-panglima ang Camarines Norte PPO na may nahuling 295 habang ang Catanduanes PPO ay may 204 na nahuling wanted persons.
Sa pahayag ng PNP-RO5, malaking papel ang ginampanan ng pamayanan upang matunton ang kinaroroonan ng mga kriminal na pinaghahanap ng batas.
Ang patuloy na tiwala at kooperasyon umano ng kumunidad sa Pulisya ang nagsisilbing motibasyon ng bawat miyembro nito na patuloy na gampanan nang maayos ang kani-kanilang tungkulin sa pagbabantay ng seguridad at katahimikan ng bawat pamayanan sa rehiyon.

