Total recoveries sa COVID-19 sa Bicol pumalo na sa 40,827

BICOL—Nasa 87.47% na ng kabuuang kaso ang mga naitalang recoveries sa COVID-19 sa Bicol region o katumbas ng 40,827 mula sa 46,675 cumulative cases.

105 ang bagong nadagdag kung saan 63 nito ay mula sa Legazpi City, 35 sa Catanduanes, apat sa Camarines Norte at tatlo sa Sorsogon.

Samantala, 15 ang mga bagong kasong nadagdag kung saan siyam nito ay mula sa Camarines Sur, tatlo ang naitala sa Nabua, dalawa sa Naga City at tig-iisa ang Bombon, Calabanga, Iriga City at Ocampo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tatlo ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan dalawa ang mula sa Barcelona at isa sa Matnog.

Dalawa ang nadagdag sa Catanduanes, isa sa Caramoran at Gigmoto.

Isang kaso naman ang naitala sa Albay na mula sa Legazpi City habang parehong zero new case ang Camarines Norte at Masbate.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Pumalo na sa 1830 (3.92%) ang death toll matapos madagdagan ng 11 kung saan pito nito ay mula sa Albay at apat sa Legazpi City.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin angt BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### |slm