LEGAZPI-Arestado ang 25 anyos na binatilyo sa sinagawang drug buy-bust operation sa Purok 2, Brgy. Sto Cristo, Tabaco City.
Nakilala ang suspek na si Mestico Tuscano Boralnna residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report ng PNP, nagsagawa ng operasyon ang pinag sanib pwersa ng Tabaco CPS at Albay Maritime Police Station at koordinasyon sa PDEA Bicol.
Nakuha sa kustodiya nito ang isang piraso ng (1) plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu, isang 1,000 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng PNP para sa kaukulang disposisyon.