6 sa bawat 10 Bicolano bakunado na vs COVID-19 ayon sa DOH

BICOL—Anim sa bawat sampong Bicolano ang bakunado na laban sa COVID-19 batay sa report ng Department of Health Bicol

Nangangahulugan ito ng halos 2.5 million (58%) ng mga Bicolanong nabakunahan ng kahit isang dose mula sa 4.3 million target population mula nang umarangkada ang vaccination campaign sa bansa noong Marso.

Mababatid na 70% ng populasyon ang kailangang mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa pinakahuling tala ng DOH Bicol, ang lalawigan ng Catanduanes ang siyang nangunguna sa pag-abot ng target kung saan 78% na ng populasyon nito ang nababakunahan. Katumbas ito ng 150,407 na indibidwal.

Sinundan ito ng Albay at Sorsogon na parehong nakapagbakuna na ng 62% ng kanilang target.

Katumbas ito ng 616,110 vaccinated individuals sa Albay at 371,330 vaccinated individuals naman sa Sorsogon.

Ikatlo ang Camarines Sur na 859,837 na mga nabakunahan o 59% ng target; Camarines Norte na may 212,563 o 48% ng target at Masbate na may 310,126 o 46% ng target na dapat mabakunahan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito ay patuloy ang paghikayat ng DOH Bicol sa mga Bicolano na magpabakuna na lalo ngayong nalalapit ang kapaskuhan kung saan hindi malilimitahan ang galaw ng mga tao.

Ayon sa ahensya, ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pagpapabakuna ay nangangahulugan ng pagprotekta rin sa lahat.### | slm