Unti-unti nang binabaon ng Talk N Text tropang Giga ang Magnolia Hotshots matapos kunin ang 2-0 lead sa serye 105-93 sa Game 2 ng PBA Philippine Cup finals.
Muling bumida ang super rookie na Mikey Williams matapos magtala ng 28 points, nine rebounds, at six assists habang si Jayson Castro ay nagdagdag 16 points, four rebounds, five assists, at five steals.

Sa ikalawang sunod laro ay naging malamib ang Magnolia sa kanilang three-point shooting na mayroon lamang 26% shooting percetage.
Nanguna naman para sa Hotshots si Ian Sangalang na nagtala ng 25-points.
Inihayag ni TNT Coach Chot Reyes na hindi sila pwede magpaka-kampante dahil kalibre umano ng Magnolia ngayon ay kayang-kaya nitong makabalik sa serye.