Alec Baldwin tiniyak ang kooperasyon sa mga otoridad matapos mabaril ang cinematographer

Labis ang pagka-shock at kalungkutan ng  aktor na si Alec Baldwin  matapos ang aksidenteng pagkakabaril sa cinematographer na si Halyna Hutchins gamit ang isang prop gin sa kanilang shooting sa New Mexico.

Kaugnay nito ay nakikipag-ugnayan si Baldwin  sa asawa ng biktima at nag-alok na din siya ng  tulong.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Sa tweet ni Baldwin, inihayag niya na durog ang kanyang puso para sa asawa, anak  at mga nagmamahal sa biktima.

Tiniyak din ni Baldwin na nakikipagtulungan siya sa mga pulis para sa imbestigasyon sa aksidente.

Read More:  Jinkee Pacquiao turns backlash over umbrella incident into joke

Matatandaan na aksidenteng tinamaan ng  baril si Hutchins sa set ng kanilang  shooting kung saan mabilis naman itong naitakbo sa ospital gamit ang chopper pero namatay din ito dahil sa tinamong  sugat.