CAMARINES NORTE- Patuloy na nagpapakita ng pagbaba sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte
Sa ulat sa COVID-19 ng DOH Bicol kahapon , nasa 14 na panibagong kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet na may tatlong bagong kaso habang ang bayan ng Labo, Mercedes at Vinzons ay may tigda-dalawang kaso at tig-i-isang kaso ang naitala sa mga bayan ng Basud, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Talisay
Nasa 70 pasyente naman ang naitalang gumaling sakit na COVID-19
Ito na ang ikatlong araw na nakakapagtala ang Camarines Norte ng mataas na bilang ng mga nakarekober sa sakit dahilan upang umakyat na sa 2,387 ang total recoveries
Naging dahilan rin ito upang bumaba na sa 564 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan
Habang nanatili sa 100 ang bilang ng mga nasawi sa sakit
Sa ngayon ang Camarines Norte ay mayroong 3,051 total cases

