Termos, sumabog; bata nagtamo ng second degree burns

Nagtamo ng lapnos sa paa ang isang batang babae matapos na sumabog ang bitbit nitong termos na may lamang mainit na tubig sa pantalan ng Masbate.

Agad naman rumesponde ang mga Lay Responders ng Masbate Port Mgmnt Office at nilapatan ng paunang lunas ang bata bago ito dinala sa pinakamalapit na ospital para sa agarang medikal atensyon.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, papasok na sana ang bata kasama ang kanyang ina sa passenger terminal building ng nasabing pantalan nang biglang sumabog ang bitbit nitong termos at nabuhusan ang paa nito ng laman na mainit na tubig.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City