PISTON, MANIBELA – may huling hirit bago i-impound ang unconsolidated PUVs

Dalawang araw bago magsimulang hulihin ng gobyerno ang mga colorum na public utility vehicles (PUVs), muling nanawagan ang PISTON at MANIBELA sa Korte Suprema na harangin ang pagpapatupad ng kontrobersyal PUV modernization program.

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, dapat hindi magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ang korte suprema at tingnan ang nakararami.

Sinabi naman ni Ruben Baylon, Deputy Secretary ng PISTON, kailangan nang suspindihin ang modernization program sa kadahilanang marami nang nagpatotoo na ang programa ay palpak.

Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan ang pag-i-impound ng unconsolidated traditional jeepneys sa ika-16 ng Mayo.

Kaugnay nito – inatasan na ng Korte Suprema ang Department of Transportation (DOTr) na magkumento hinggil sa ifi-nile na supplemental petition for certiorari at temporary restraining order ng mga jeepney drivers laban sa PUV modernization program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *