Tennis Star Rafael Nadal at Carlos Alcaraz, mag-sasanib-pwersa sa paparating na Paris Olympics

Sanib pwersa sina Tennis Star Rafael Nadal at Carlos Alcaraz para sa Spain sa paparating na Paris Olympics

Ginawa ang anunsyo tatlong araw matapos na manalo ni Alcaraz sa French Open.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon nakamit niya ang kanyang ikatlong Grand Slam trophy.

Target ni Alcaraz na manalo ng Olympic medal para sa Spain bilang isa sa kanyang nangungunang layunin sa karera.

Dagdag pa niya matapos manalo sa Roland Garros, mas gugustuhin niya ang gintong medalya sa Paris Olympics kaysa sa matagumpay na pagdepensa sa kanyang titulo sa Wimbledon. (Justine M. Jumarang – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *