OFW mula Camarines Sur na sobra umano ang trabaho sa Riyadh natulungan makauwi

NAGA CITY- Sobra sa trabaho hanggang sa namamaga na ang mga kamay, naabuso pisikal at hindi umano mapakain ng tama; ang mga ito ang sumbong ng isang Overseas Filipino Worker mula sa Camarines Sur.

Ang sitwasyon ay naiindorso ng opisyal ng Balatan LGU sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)- Naga sattellite branch noong October 2023. Kaagad naman na beneripika ang sumbong. Nagkaroon  ng imbestigasyon at ngayong Hunyo 2024 nakauwi na ito ng bansa.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Paliwanag ni Bernard Bonnet, hindi oras-mismo ang pagpapauwi, nagkakaroon din ng berepikasyon  kung nasa imminent threat , hindi kase aniya puwedeng basta-basta pasukin ang bahay ng amo kung wala sa “imminent danger”.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Payo ni Bonnet sa mga OFW kung hindi maayos nag trato ng pinagtrabahunan kaagad na magsumbong sa agency, may nakahanda namang tulong para sa distress worker.