K-POP group na BTS, ipinagdiriwang ang 11th Anniversary ngayong araw

Ginugunita ngayong araw sa Seoul Sports Complex sa South Korea ang ika- labing isang Anibersaryo ng K-POP group na BTS.

Kasabay nito, ay ang pagbabalik ng isa sa kanilang miyembro na si Kim Seok-Jin.

Ibinahagi naman ng K-POP group na BTS sa kanilang official X account ang isang larawan kasama si Kim Seok-Jin na suot ang kanyang military uniform at may caption na ā€œIā€™m home!ā€.

Matatandaan na si Kim Seok- Jin ay naglingkod sa South Korean Military sa loob ng labing- walong buwan.

Sa pagbabalik nito, ibinahagi ng mga taga hanga ang kanilang excitement at saya sa social media. (Rauvic Cifra & Trisha Armada ā€“ Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *