Temporary Lockdown sa dalawang ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya lifted na

LEGAZPI CITY – Lifted na ang temporary lockdown ng dalawang ahensya at isang pribadong kompanya sa lungsod ng legazpi matapos magpositibo sa covid 19 ang kanilang empleyado.


Ayon sa Public Advisory ng City Local Government Unit Legazpi (City-LGU), epektibo kahapon, inalis na ang lockdown sa Land Bank of the Philippines 2nd floor Rizal St Barangay Cabangan West, Department of Public Work and Highways (DWPH) Admin Divsion ng Regional Government Center sa Barangay Rawis at Sunwest Construction and Development Corporation sa Peñaranda Extension ng Barangay Bonot ng nasabing lungsod.

Read More:  Davao man robbed at gunpoint after picking up parcel


Natapos na rin ang pagsasagawa ng contact tracing at testing kung saan nagnegatibo rin sa resulta ang nakasalamuha nito sa covid 19.

Read More:  Mayor Lucy Torres-Gomez honors Chinese medicine heroes as three-day medical mission hits 1,451 served with chiropractic, ventosa, and acupuncture

Inabot rin umano ng halos isang linggong lockdown kung saan karamihan sa mga empleyado ng gobyerno ay work from home.


Inabisohan rin ang mga empleyado na ugaliin rin ang pagsusuot ng facemask, face shield, social distancing, sanitation at ang paghuhugas ng kamay bago humawak sa mga baga.