Oil spill mula sa Terra Nova – posibleng tumbukin ang Bulacan ayon sa DENR

Pinaghahanda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lalawigan ng Bulacan dahil posibleng dito papadparin ang oil spill mula sa Terra Nova.

Sa situation briefing sa Bulacan, iniulat ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na batay sa ginawang oil spill model run o spill scenario na isinagawa ng UP Marine Science Institute malaki ang posibilidad na ang coastline ng Bulacan ang maaapektuhan ng oil spill.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Kung magpapatuloy daw ang nararanasang weather, ang Bulacan ang magiging mainsite ng oil spill.

Meron na rin anyang namataang oil slick patungo sa bahagi ng Corregidor.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte

Kaugnay nito, naglatag na ang DENR ng wide net upang mapigilan ang pagkalat ng langis mula sa tumaob na oil tanker.

Dagdag ni Loyzaga, patuloy silang naka monitor kung magbabago ang trajectory ng oil spill.