Teachers’ Dignity Coalition, hindi rin pino-promote ang pagsasabit ng money garland sa mga graduates

Suportado ng Teachers’ Dignity Coalition ang panawagan ng Department of Education na iwasan na ang pagsasabit ng money garland sa graduation.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, sinabi nitong dini-discourage din nila ang pagkakaroon nito.

Ani Basas, hindi malinaw kung ano ang gustong iparating ng pagkakaroon ng money garland.

Kung gusto raw magbigay ng regalo sa isang graduate, maaari namang ibigay ito sa loob ng bahay.

Sa huli, sinabi din niyang dahil sa bagay na ito ay posibleng malagay sa hindi magandang sitwasyon ang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *