Liderato ng Kamara at Senado, magpupulong sa ikatlong linggo ng Hunyo upang talakayin ang legislative agenda

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na magpupulong sila ni Senate President Chiz Escudero sa ikatlong linggo ng Hunyo upang pag-usapan ang “common legislative agenda” ng dalawang Kapulungan.

Sa panayam kay Romualdez sa site visit ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH sa San Mateo, Rizal, sinabi nitong nagkausap na sila kahapon ni Escudero sa signing ceremony ng “Kabalikat sa Pagtuturo Act” at dito ay nagkasundo sila na tatalakayin sa nakatakdang pulong ang koordinasyon at ilalatag ang priority legislation.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Hindi aniya kasama sa nabanggit ang economic Charter Change o ang Resolution of Both Houses Number 6 at 7 ngunit siniguro ng House leader na matatalakay ito dahil nakabinbin ang panukala sa Senado.

Nakatitiyak din si Romualdez na batid ni Escudero na naipasa na ng Kamara ang lahat ng priority legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na nabanggit sa State of the Nation Address at sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Idinagdag pa ng House leader na tututukan sa koordinasyon ang bicameral conference committees upang i-reconcile o ayusin ang magkakaibang bersyon ng mga panukala.

Gayundin ang paghihintay sa Mataas na Kapulungan na gawing prayoridad ang local bills na naaprubahan sa Kamara.