Taguig, dapat may korte na sasalo sa mga case load sa 10 EMBO barangays – Binay

Sinabihan ni Makati City Mayor Abby Binay si Taguig City Mayor Lani Cayetano na himukin ang district representative ng Taguig sa Kongreso na maghain ng panukalang gagawa ng karagdagang mga korte para maasikaso ang patong-patong kaso mula sa 10 EMBO barangays na ngayon ay nasa ilalim na ng jurisdiction ng Taguig City.

Ayon kay Binay, dapat makapagtatag si Cayetano ng mga korte sasalo at mag-a-absorb sa mga case load sa 10 EMBO barangays.

Giit ng Makati Mayor, naging matigas ang paninindigan ng Taguig pagdating sa pag-take over ng naturang mga barangay, pero bakit tila hindi naman ang mga ito kumikilos?

Maliban diyan, mariing sinabi rin ni Binay na nais kuhanin ng Taguig ang kanilang mga properties, pero hindi naman nito matugunan ang responsibilidad.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na panggugulang ang ginagawa ng Taguig City Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *