Switch on ceremony sa sitio electrification program (SEP) ng Cagelco 1, isinagawa sa Bural Rizal Cagayan

SWITCH ON CEREMONY SA SITIO ELECTRIFICATION PROGRAM (SEP) NG CAGELCO 1, ISINAGAWA SA BURAL RIZAL CAGAYAN Nagpasalamat ang mga residente ng Bural Rizal Cagayan o mas kilala bilang Zinundungan Valley sa Cagayan 1 Electric Cooperative Incorporation (CAGELCO 1) matapos pormal na isagawa ang Switch On Ceremony hudyat sa pagkakaroon na nila ng kuryente sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program (SEP) ng CAGELCO 1 , natupad na ang matagal nang inaasam ng mga residente na magkaroon ng ilaw sa kanilang komunidad.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Sa naging mensahe ng 17th Infantry Battalion, isa sa mga benepisyo ng programa ay tuluyan ng matutuldukan ang banta ng terorismo sa lugar.

Magsisilbi din itong inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon dala ang bagong pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.

Asahan na mas marami pang mga proyektong magbubukas ng pinto para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Zinundungan Valley./// analiza

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Credits: 17TH INFANTRY BATALLION

Enter

You sent

Open photo

Open photo

Open photo

Open photo