Ilang school supplies sa Camarines Sur, tumaas ng P4.00-P8.00

CAMARINES SUR – 24%-28% o P4.00-P8.00, ang itinaas sa presyuhan sa ilang school supplies sa Camarines Sur.

Ito ang napag-alaman kay Ferdinand Bercasio, Chief Consumer Protection ng Department of Trade and Industry Camarines Sur, kung saan nakadepende sa brand ang pagtaas sa presyo. Ilan sa tumaas ang notebook, pad paper, lapis, crayons at iba pa.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Gaya sa notebook may P27.00, P52.00 depende sa klase; pad paper, P21.50, P40.00; lapis P22.00, at sa crayons may P30.00, P40.00.

Ayon sa opisyal, nakaapekto ang taas presyo ng mga raw material na ginagamit sa paggawa ng produkto, at ang pagdagdag sa kalidad ng mga ito kaya mayroong pagbabago sa presyo kumpara nitong nakaraang taon. Sa ngayon nagpapatuloy din ang monitoring sa mga tindahan kung nakakasunod sa suggested retail price at wala namang lumalabag.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story