Arrest order laban kay Guo, aprubado na ng Mataas na Kapulungan

Pinirmahan na kahapon ni Senate President Chiz Escudero ang arrest order laban kay Alice Leal Guo a.k.a Guo Hua Ping matapos ang hindi nito muling pagharap sa Senado.

Si Guo ang isa sa mga indibidwal na hinihinalang sangkot sa mga napapabalitang human trafficking, serious illegal detention at physical abuse sa loob ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Sa ilalim ng nasabing arrest order, direktang inuutusan ng Senado ang Sergeant-at-Arms na ipatupad ang order sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Samantala, kabilang pa sa inaprubahang arrest order ni Escudero ang pag-aresto sa di umano’y biological mother ni Guo na si Wen Yi Lin at maging sa mga kapatid nitong sina Sheila Guo at Seimen Guo.