NAGA CITY-Pinalawig ang suspensyon ng klase sa Naga City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 at pagpositibo sa sakit ng ilang mga guro, mayroon ding may sintomas na ilang pang mga school personnel.
Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni OIC Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman. Wala pa ring pasok sa mga pampublikong paaralang pang Elementarya at Sekondarya mula Enero 24 hanggang Enero 29, 2022. Ito an nakasaad sa memorandum no. 22 series of 2022.
Matatandaan na noong nagdaang linggo Enero 17-22 , walang synchronous at asynchronous classes, walang kumuha o naghatid ng Learning Modules at Learning Packets. Ipinagbawal rin Physical Reporting ng guro.
Sa hakbang naniniwala ni De Guzman na mababawasan ang hawaan ng virus dahil malilimitahan ang galaw ng publiko, mailalayo sa hawaan ng mga magulang.
Sa huling datus na inilabas ng City Analytics Team tumaas sa 63% ang positivity rate sa Naga.