Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa 730 nitong weekend

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 730 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Sa lumipas na sabado at linggo  umabot sa 108 na bagong kaso ang naitala sa report ng DOH Bicol

Sa ipinalabas na case bulletin report nakapagtala ng 60 na bagong kaso nitong sabado habang 48 kaso ang naitala kahapon

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Pinakamaraming naitala ang bayan ng Basud na may 30 bagong kaso,  sinundan ito ng Daet na nkapagtala ng 27 at 13 sa Bayan ng Talisay

Habang 8 ang naitala sa Labo,  6 sa Jose Panganiban  at 5 sa Vinzons

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

May tig-4 kaso nman ang bayan ng Mercedes at San Vicente, 3 bagong kaso ang nagmula sa Paracale at 2 kaso ang mula sa Capalonga habang may 1 kaso na nagmula sa San Lorenzo Ruiz

habang wala namang naitalang nakarekober at pagkasawi  mula sa kabuulang bilang na 3874 na kasong naitala simula ng maranasan ang pandemya