DepEd kumpiyansang handa na ang mga eskwelahan sa Camarines Norte sakaling ipatupad ang expanded limited face to face classes

CAMARINES NORTE- Kumpiyansa ang Department of Education na handa na ang halos lahat ng mga eskwelahan sa Camarines Norte sakaling ipatupad na ang expanded limited face to face classes.

Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo sa lingguhang programa ng departamento na DepEd hour.

Ayon kay Guemo, “enhancement” na lang ang kailangan kung ang pag uusapan ay ang physical aspect ng paghahanda.

Wala na umanong problema sa mga thermal scanner at iba pang kailangan ng eskwelahan.

Ang inihahanda na lamang talaga umano sa ngayon ng mga eskwelahan ay ang kanilang water system at comfort room.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Aminado si Guemo na hindi niya mabibisista lahat ng eskwelahan pero base umano sa mga report na kaniyang tinatanggap mula sa mga supervisor ay handa na umano ang mga itong ipatupad ang expanded limited face to face classes.

Importante din umano ang contingency plan ng mga eskwelahan sakaling mayroong magpositibo sa COVID- 19 sa pagpapatupad ng limited face to face classes.

Pero sa ngayon ay hindi pa ito posible dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Muli ring nanindigan si Guemo na walang pangangailangan sa ngayon na mag deklara ng academic break sa probinsiya.

Aniya kailangang ipagpatuloy ang pag- aaral ng mga estudyante at hanggat maaari ay walang putol kahit s agitna ng pandemya.

Pwede naman umano ang “academic ease” kung saan pinapayagan ang mga Regional at Division Office na magsuspinde ng klase kung kinakailangan basta’t hindi lalagpas ng dalawang linggo.

Bukod dito nasa bahay lang  naman aniya ang mga bata dahil distance learning naman ang ipinatutupad.