Suspected gunman sa pagpatay kay Brigada Ed Dizon, sumuko

Nasa kustudiya na ngayon ng Makilala Municipal Police Station ang itinuturong gunman sa pagpatay kay Brigada Ed Dizon, na binaril-patay noong July 10, 2019.

Sa panayam ng Brigada news FM Kidapawan kay Makilala Municipal Police Station Chief Police Lt/Col. John Miridil Calinga, kinumpirma nito na sumuko si Junell Andakit Poten alias Junell Gerosaga, alas-otso kagabi.

Ayon pa kay Lt/Col. Calinga na tatlong ang nakalipas nang mayroong filler na pumupunta sa kanyang tanggapan ug nagpahayag na ibig nang sumuko ni Gerosaga.

Natatakot umano ito sa kaligtasan ng kanyang buhay, dahil marami na umano ang naghahanap sa kanya.

Kayat pinuntahan ng tropa ng pulisya at iba pang operating units ang lugar ng suspek sa Brgy. Saguing, Makilala, Cotabato at isinilbi ang warrant of arrest nito sa kasong murder.

Magugunitang si Gerosaga, ay kinilala bilang most wanted person at mayroon reward money na P700-K para sa sinumang makapagtuturo ng kinalalagyan nito, o para sa sinumang makakhuli sa kaniya. (via BNFM KIDAPAWAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *