Nurse – patay matapos barilin ng tinulungang motorcycle rider

Patay ang isang nurse at construction worker matapos umanong pagbabarilin ng dapat sana’y tutulungan nila na naaksidenteng rider sa Brgy. 173, North Caloocan.

Ayon sa pulisya, tinulungan ng nurse ang suspek nang mahulog sa motorsiklo dahil sa kalasingan.

Nang hindi umandar ang motorsiklo ay agad na binaril ng suspek sa ulo at braso ang biktima.

Nadamay rin ang construction worker matapos pigilan ang suspek.

Agad namang inaresto ng Caloocan Police ang suspek na mahaharap sa kasong double murder.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *