Apostolic Nuncio to the Philippines, ipinagpasalamat ang pagtanggap ni Arsobispo Alarcon sa katungkulan

NAGA CITY- Galak ang nakita sa mukha ng mga lider ng simbahan sa bansa sa pagdalo sa installation and canonical possession ng bagong Arsobispo ng Caceres.

Personal na nagpasalamat si Apostolic Nuncio to the Philippines Charles Brown, D.D kay Most Rev. Rex Andrew Alarcon, D.D sa pag oo sa Santo Papa at simbahan sa napakalaking katungkulan. Kaugnay nito hiniling ni Brown sa publiko na sundin at suportahan ang bagong  mamumuno sa Archidocese of Caceres.

Pinuri rin si Emeritus Most Rev. Rolando J. Tria Tirona, O.C.D, D.D sa panunungkulan ng labing dalawang taon. Malaki aniya ang naiambag nito sa simbahang katolika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *