SSS sa susunod na taon na uli magsasagawa ng RACE sa mga delingquent employer

CAMARINS NORTE – Inihayag ng Social Security System (SSS) na sa susunod na taon na uli sila magsasagawa ng Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) campaign sa mga delinquent employer.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo dalawang RACE lang daw kasi sa isang taon ang minamandato sa kanila at nagawa na nila ito liban pa sa isang special RACE.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa anim na employer sa Camarines Norte na binista at isinailalim sa RACE noong isang buwan, sinabi ni Robredo na ang- comply naman ang mga ito.

Mayroon umano silang iniakyat sa legal department pero sa huli ay nag- settle din ng kanilang deficiency.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Apat na business establishment ang binisita dito sa bayan ng Daet, isa sa Basud at isa rin sa Vinzons noong nakaraang buwan.

Layon ng RACE na paalalahanan at tulungan ang mga employer na i- comply ang kanilang deficiency, paigtingin ang koleksyon, higit sa lahat ay tulungan ang mga apektadong empleyado.