BIR registration ng mga kandidato  hindi prerequisite sa paghahain ng COC ayon na mismo sa pinakabagong Revenue Memorandum Circular ng ahensiya

CAMARINES NORTE – Inihayag mismo ng Bureau of Internal Revenue na hindi prerequisite ang registration at ang pagbabayad ng registration fee ng mga kandidato sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Batay ito sa pinakabagong Revenue Memorandum Circular No 97- 2023 na ipinalabas nito lang September 22, 2023 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon

Pero sinasabi sa naturang circular na kung ang kandidato ay involve sa negosyo o tumanggap ng donasyon at may campaign related purchases o iba pang financial activities at income payments na subject sa withholding tax ay kinakailangan ng mga itong mag register sa BIR at magbayad ng kaukulang bayarin.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakapaloob rin sa pinakabagong circular ang obligasyon ng kandidato, political party o contributor kaugnay sa  kanilang campaign related income payments.

Kinakailangan din  na mag- maintain ang kandidato ng record contributions, donations at expenditures na siya namang gagamitin sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures na isinusumite sa Comelec.

Ang mga kandidato na tumatanggap ng donasyon at campaign contributions ay kinakailangang mag purchase ng  Non- VAT BIR Printed receipts sa Revenue District Office kung saan sila nakarehistro para sa bawat contribution, in cash o in kind.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ipinalabas ng BIR ang naturang RMC kasunod ng advisory ng Comelec nito lang September 21 na nagsasabing hindi required ang mga kandidato na mag register at magbayad ng registration fee sa paghahain ng COCayon na rin umano sa Supreme Court.

Tungkol naman sa registration fee na nabayaran na ng mga kandidato, sabi ng lokal na opisina ng BIR , naghihintay pa sila ng bagong issuance ukol dito.