Brigada News FM Daet ginawaran ng pagkilala bilang Outstanding Media Advocate for PSA activities products and services sa pagdiriwang ng ika- 10 taong anibersaryo ng ahensiya

CAMARINES NORTE – Ginawaran ng pagkilala ang 102. 9 Brigada News FM Daet bilang Outstanding Media Advocate for PSA activities products and services sa pagdiriwang ng ika- 10 taong anibersaryo ng ahensiya.

Ginawa ang 10TH PSA anniversary, Stakeholders Appreciation Ceremony kahapon dito sa bayan ng Daet na pinangunahan ni PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao.

Ayon kay Padayao, malaki ang naitulong ng Brigada News FM Daet para maging matagumpay ang kanilang mga programa at aktibidad lalo na sa pagpapalaganap ng mga resulta ng survey at census.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Maliban dito ang Brigada News FM Daet lang din aniya ang natatanging media outlet sa Camarines Norte na naglalabas ng report patungkol sa monthly inflation sa lokalidad.

Mayroong iba’t- ibang kategorya ang awards, Provincial Office category, LGU, academe, establishment at household.

Nagpasalamat naman si Station Manager Francis Lausin sa PSA sa iginawad na parangal.

Ayon kay Lausin, patuloy na susuporta ang himpilan sa mga programa ng ahensiya lalo’t higit ang pagpapalaganap ng mga impormasyong kapaki- pakinabang sa publiko.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang PSA ay ipinanganak noong September 12, 2013 nang lagdaan nang noo’y Pangulo na si Benigno Aquino III ang Republic Act No 10625 o ang Philippine Statistical Act of 2013.

Dito ay pinag- isa ang apat na ahensiya, ito ay ang National Statistics Office, Bureau of Agricultural Statistics, Bureau of Labor and Employment Statistics at National Coordination and Statistical Board.