SP Zubiri, nagpaalam na bilang Senate President ng Mataas na Kapulungan

Pormal nang nagpasalamat at nagpaalam si Senate President Migz Zubiri sa mga kasamahan niya sa loob ng Mataas na Kapulungan o Senado matapos ang kanyang pagre-resign mula sa kanyang pwesto.

Anya, alam ng Panginoon ang lahat ng ginawa niya upang madepensahan lang ang institusyon sa iba’t ibang isyung kinahaharap ng bansa.

Matapos ang kanyang naging speech ay pinasalamatan naman din siya ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa kanyang naging serbisyo para sa bayan.

Samantala, hindi naman napigilan ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na maiyak habang nagsasalita si Zubiri.

Maalala, una ng kinumpirma ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ilang minuto bago ang plenary session, na mapapalitan na rin siya bilang Majority Leader habang kinumpirma naman mismo ni Zubiri na papalitan siya ni Senador Chiz Escudero.

Ito ay matapos ang pagsuporta ng hindi kukulang sa labinglimang senador sa Senate Presidency ni Escudero.

Kung saan ilan lang umano sa mga senador na sumuporta rito ay sina Senador Mark Villar, Senador Alan Cayetano, Senadora Grace Poe, Senador Cynthia Villar at Senador Pia Cayetano.

Maalala, dati pa lang ay may mga uumugong ng balita tungkol sa coup d’état sa liderato ni Zubiri.

Samantala, si Senador Jinggoy Estrada naman na ang bagong inihalal na Senate President Pro Tempore habang si Senador Francis Tolentino na ang bagong Senate Majority Leader matapos ang pagbaba sa pwesto nina Senadora Loren Legarda at Senador Joel Villanueva. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *